Maliban kay Wilwayco, nakapaglathala rin ng mga aklat sina Zosimo Quibilan, Jr. (Pagluwas), Eros Atalia (Peksman, Mamatay Ka Man, Nagsisinungaling Ako), at T.S. Sungkit, Jr. (Batbat hi Udan) na ang nobelisasyon ay nasa mismong potensiyal ng misrekognisyon sa kanila bilang nobela. Koleksiyon ng vignette ang aklat ni Quibilan subalit humahabi sa wakas ng lahat ng isang mas malawakang bisyong nobelistiko. ...
Saturday, January 08, 2011
"Pagluwas" sa Atisan Novels
Nabanggit ni Edgar Calabia Samar sa kanyang panayam sa PEN National Conference (Disyembre 2009) ang "Pagluwas" na kabilang sa ilang mga bago-bagong aklat na nailathala na napakadaling mapagkamalang hindi nobela. Ang buong panayam na pinamagatang "Ang Pagsusulat Bilang Pagkadismaya" (Disappointments in Writing) ay mababasa dito. Maraming salamat, Egay!
Labels:
atisan novels,
edgar calabia samar,
pagluwas
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment