“dahil mula pa noong sandaling ako’y umiral, buhat-buhat ko na ang bigat ng mundo at ni walang bagay o sinumang makakatulong sa akin upang mapagaan ito.” - Jean Paul Sartre
Magkatalikod tayo sa
Komportableng kama at
Tila may humihinga sa
Puwang sa gitna
Ngayong pagod ka na
At umiyak na ako
Bumibilis na ang pagtalukbong
Ng malamig nang dilim
Babalik ka sa pagbabasa
Nang di ko malamang
Tumalab din sa ‘yo
Ang sinabi ko
Hindi ako basurahan
Ni bahaw na palangawan
Ako ang iyong anino
Tapunan ng buong bigat mo
Susunod-sunod at hindi
Makangiti
Ang gabi;y lasting binabanat;
Humahaba nang humahaba
At malapit nang mapigtal
Darating na ang almusal.
mula sa Heights Tomo XL, Bilang 1. p. 59
0 comments:
Post a Comment