Monday, March 21, 2011

Isterismo

Batid ko nang tumawa siya na masasangkot ako
Sa kanyang galak at magiging bahagi nito, hanggang
Maging mga di-sinasadyang bituin ang kanyang mga ngipin na singhusay
Ng mga pulutong na nagsasanay. Naakit ako ng mga kagyat ng singhap,
Na nalalanghap sa bawat panandaliang pagkabawi, nawawaglit sa wakas
Sa madidilim na yungib ng kanyang lalamunan, nabubugbog ng mga
Saluysoy ng mga di-nakikitang kalamnan. Isang matandang waiter
Na nanginginig ang mga kamay ang nagmadaling maglatag
Ng rosas at puting kurusang mantel sa ibabaw ng kinakalawang
Na luntiang mesang bakal, ang nagpapatalastas: “Kung nais ng binibini
At ng ginoo na doon na lang sa hardin magtsaa,
Kung nais ng binibini at ginoo na doon na lang
Sa hardin magtsaa…” Nagpasya akong kung
Mapipigilan ang pagyugyog ng mga suso niya, ilang
Bahagi pa ng hapon ang maaaring malikom,
At ibinuhos ko ang atensyon ko nang napakaingat ang
Pagkakadesimulado sa layuning ito.

(salin ng Hysteria ni T. S. Eliot)

0 comments: